Gabay sa mga lamok
Ang mga lamok ang pinakamapanganib na hayop sa mundo, na pumapatay ng hanggang isang milyong tao sa isang taon ayon sa ulat ng World Health Organization.
Nagkakaroon ng dengue ang mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang lamok na nahawaan at nagtataglay ng dengue virus. Tinatawag na aedes aegpyti ang partikular na uri ng lamok na ito at kadalasang nagdudulot ng dengue infection.
Sinisipsip nito ang iyong dugo, na kanilang kailangan upang makapangitlog. Pinaka-aktibo ang mga lamok na Aedesmula umaga hanggang bago ang paglubog ng araw. Maaari silang manirahan sa loob at labas ng ating mga tahanan.
Ang mga lamok ang pinakamapanganib na hayop sa mundo, na pumapatay ng hanggang isang milyong tao sa isang taon ayon sa ulat ng World Health Organization.
Maaaring magdulot ang dengue ng mga sintomas na katulad ng sa trangkaso. Kabilang na rito ang lagnat, pag-ubo, pamamaga ng lalamunan at pananakit ng katawan. Nagmumula ito sa kagat ng lamok na may dengue virus. Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng mga nahawaang lamok.
Mayroong apat na serotypes o uri ng virus na nagdudulot ng dengue: DENV-1, 2, 3, and 4. Kabilang sa flavivirus family ang dengue virus (DENV)1, 2, 3, at 4, pati na rin ang yellow fever, West Nile, Zika virus, at marami pang iba. DENV ang pagdadaglat ng dengue virus.
Tumataas ang dengue infection rates.
Humigit-kumulang kalahati ng populasyon ng mundo ang nasa panganib na magkaroon ng dengue infection.
May apat na uri ng dengue virus.