Artikulo

Tungkol sa virus

Mayroong apat na serotypes o uri ng virus na nagdudulot ng dengue:

call out

 

Kabilang sa flavivirus family ang dengue virus (DENV)1, 2, 3, at 4, pati na rin ang yellow fever, West Nile, Zika virus , at marami pang iba. DENV ang pagdadaglat ng dengue virus.1

Naipapasa ng lamok ang dengue virus gamit ang laway nito2.  Tuwing kakagat ang lamok, pumapasok ang virus sa iyong katawan at dito magpaparami.3

Kapag nakapasok na ang virus sa iyong katawan, napapagana nito ang iyong immune system upang labanan ang virus at pigilan ang anumang impeksyon o karamdaman na maaari nitong idulot. Gumagawa ang iyong katawan ng white blood cells. Nakatutulong ang mga ito upang labanan ang virus. Ito ang tinatawag na immune response.  

Karaniwang pinupuksa ngwhite blood cells ang isang virus. Sa kaso ng dengue virus, pumupuslit ito papasok ng white blood cells at lilinlangin ang iyong katawan na magparami pa ng virus na aatake sa iba pang bahagi ng iyong katawan.3  

Gumagamit ang iyong katawan ng mga espeyal na proteins upang pigilan ang virus. Tinutulungan nito na makilala ang cells na nahawahan ng dengue at tumutulong na protektahan ang cells na hindi pa nahahawaan.

Ngunit nagdudulot din ng maraming mga sintomas ng dengue tulad ng lagnat ang proteins na ito.3

Sa mga kaso ng malubhang dengue, maaaring bumagsak ang iyong blood pressure at pumalya ang iyong body organs.

Dahil may apat na uri ng dengue virus, posibleng mahawaan nang higit sa isang beses. Kahit na nagkaroon ka na ng dengue dati, maaari ka pa ring mahawaan ng ibang uri ng dengue virus. Kadalasan, mas malubha ang mga sintomas na nararanasan ng isang tao sa pangalawang dengue infection. Maraming tao ang hindi nakakaalam nito, at isa ito sa mga dahilan kung bakit nananatili at paulit-ulit ang panganib na dala ang dengue.5

Sanggunian
  1. Scitable by Nature Education. Mga Virus ng Dengue. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/dengue-viruses-22400925/. Na-access noong Agosto 2021. 

  1. Scitable by Nature Education. Transmission ng Dengue. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/dengue-transmission-22399758/. Na-access noong Agosto 2021.  

  1. Scitable by Nature Education. Tugon ng Host sa Dengue Virus. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/host-response-to-the-dengue-virus-22402106/. Na-access noong Enero 2021.  

  1. Stanford University. Profile ng Dengue Virus. Available sa: https://web.stanford.edu/group/virus/flavi/2000/dengue.htm. Na-access noong Agosto 2021.  

  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. Na-access noong Enero 2022.