Pagsugpo sa panganib na hatid ng dengue
Iwasang mahawaan ng dengue sa pamamagitan ng pag-iwas sa kagat ng lamok, lalo na ang mga lamok na may dengue na kadalasang aktibo mula umaga hanggang dapithapon.
Naninirahan sa mga lungsod, bayan at barangay ang mga lamok na nagkakalat ng dengue. Maaari silang mangitlog at magparami sa anumang bagay na napag-iipunan at pinag-iimbakan na tubig, tulad ng mga balde, paso ng halaman, gulong, mangkok ng hayop at kahit sa mga bote. Protektahan ang sarili at ang iyong pamilya mula sa impeksyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan sa iyong kapaligiran.
Narito ang ilang paraang inirerekomenda ng World Health Organization na maaaring makatulong sa pag-iwas sa kagat ng lamok:1
Iwasang mahawaan ng dengue sa pamamagitan ng pag-iwas sa kagat ng lamok, lalo na ang mga lamok na may dengue na kadalasang aktibo mula umaga hanggang dapithapon.
Mas epektibo ang mga hakbang laban sa dengue kung kabilang ang buong komunidad. Sa ilang bahagi ng mundo tulad ng Singapore at Cuba, nagtutulungan ang mga komunidad at matagumpay na napipigilan ang pagkalat ng dengue.
May banta ng panganib ang paglalakbay sa anumang bahagi ng mundo na may maraming kaso ng dengue. Maaaring magsagawa ng ilang mga hakbang upang maiwasang makagat ng mga lamok.