Artikulo

Pagsugpo sa panganib na hatid ng dengue

Iwasang mahawaan ng dengue sa pamamagitan ng pag-iwas sa kagat ng lamok, lalo na ang mga lamok na may dengue na kadalasang aktibo mula umaga hanggang dapithapon.1

Ugaliing gumamit ng insect repellent 

Makatutulong ang paglalagay ng mga rehistradong repellents (tulad ng DEET) sa iyong balat o damit2

Magsuot ng maluwag at mahahabang damit

Tulad ng pantalon, long-sleeved shirt at medyas dahil maaaring makalusot ang kagat ng lamok sa masikip at maninipis na kausotan.

Mag-spray ng insecticide sa damit at mga gamit 
Subukan din ang pagsi-spray ng insecticide sa iyong mga damit at gamit upang makatulong sa pagtaboy sa mga lamok. 

Panatilihing walang lamok ang iyong kapaligiran 
Maglagay ng screen sa mga bintana at pintuan ng inyong tahanan. Kung walang mga screen, gumamit ng kulambo o ng air conditioning. Paligiang linisin ang mga bahagi ng bahay at mga kagamitan na naiimbakan ng tubig kung saan pwedeng mangitlog ang mga lamok, tulad ng mga laruan, paso ng bulaklak, mga basurahan, at mga gulong. 

Kung nag-aalala ka na mayroon kang dengue, sumangguni agad sa inyong doktor. Kung natukoy na mayroon kang dengue, sundin ang mga mga payo ng iyong doktor atiwasang muling makagat ng lamok lalo na sa unang linggo ng sakit. Maaari mong maipasa ang virus sa ibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok. 

 

Sanggunian
  1. Centers for Disease Control and Prevention. Pag-iwas: Ang Alam Namin. Available as: https://www.cdc.gov/dengue/prevention/index.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  1. United States Environmental Protection Agency. Ano ang Insect Repellent? Available as: https://www.epa.gov/insect-repellents/what-insect-repellent. [Na-access noong Marso 2022].