Artikulo

Dengue ba ito o iba pa?

Nakalilito ang mga sintomas ng dengue at iba pang karaniwang sakit. Paano mo matutukoy ang pagkakaiba ng dengue, Chikungunya, malaria, Zika o iba pang sakit tulad ng trangkaso o COVID-19?  

Parehong uri ng lamok na kadalasang nangangagat mula umaga hanggang hapon ang nagdudulot ng mga sakit na Dengue, Chikungunya and Zika. Sa kabilang banda, 1 ang mga parasito na ipinipasa ng mga lamok ang pinagmumulan ng malaria. Nagdudulot ng iba't ibang sintomas ang mga sakit na ito tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, kalamnan, at ng kasukasuan.  

Kinakikitaan din ng ganitong sintomas ang trangkaso at COVID-19lalo na sa unang bahagi ng impeksyon. Gayunpaman, may mga sintomas ng COVID-19 na iba ng sa dengue, kabilang na ang ubo, hirap sa paghinga, pagkawala ng lasa o amoy, pananakit ng lalamunan,sipon, at pagtatae. Maaari kang makakuha ng trangkaso at COVID-19 mula sa pagkakalantad sa ibang tao na may virus at hindi mula sa kagat ng lamok. 

Ipinapakita ng talahanayang ito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng mga sakit na binanggit sa itaas. Bagaman maraming mga karaniwang sakit ang nagdudulot ng katulad o mas banayad na mga sintomas. 

symptoms table

 

Mayroong pagkakapareho ang sintomas ng karamihan sa mga sakit, kaya’t mahirap tukuyin kung ano ang sanhi nito nang hindi dumudulog sa doktor o healthcare professional. Kung sa tingin mong ikaw ay may dengue, siguruhing kumonsulta agadsa iyong doktor. KInakailangan ang tamang diagnosis upang matukoy ang karampatang lunas sa iyong sakit o karamdaman.  

Sanggunian
  1. Centers for Disease Control and Prevention. Chikungunya: Symptoms, Diagnosis, & Treatment. Available sa: https://www.cdc.gov/chikungunya/symptoms/index.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Dengue and COVID-19. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/is-it-dengue-or-covid.html. [Na-access noong Marso 2022] 

  1. World Health Organization. Zika Virus. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/zika-virus. [Na-access noong Marso 2022] 

  1. World Health Organization. Malaria. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/malaria. [Na-access noong Marso 2022].

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Key Facts About Influenza (Flu). Available sa: https://www.cdc.gov/flu/about/keyfacts.htm. [Na-access noong Marso 2022].