Naninirahan sa mga lungsod, bayan at barangay ang mga lamok na nagkakalat ng dengue. Maaari silang mangitlog at magparami sa anumang bagay na napag-iipunan at pinag-iimbakan na tubig, tulad ng mga balde, paso ng halaman, gulong, mangkok ng hayop at kahit sa mga bote. Protektahan ang sarili at ang iyong pamilya mula sa impeksyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan sa iyong kapaligiran.
Narito ang ilang paraang inirerekomenda ng World Health Organization na maaaring makatulong sa pag-iwas sa kagat ng lamok:1
Takpan, linisin at alisin ang natitirang laman ng mga lalagyan ng tubig bawat linggo
Alisin ang mga lalagyan na nakapirming tubig, tulad ng mga mangkok ng hayop, plorera, at mga balde
Maglagay ng mga screen sa bintana at pinto sa iyong tahanan
Gumamit ng insect repellents, mosquito coils, vaporizers, at iba pang materyales na nilagyan ng insecticide
Itapon nang maayos ang basura
Alalahaning madalas nangangagat ang mga lamok na may dengue mula umaga hangang bago mag-takipsilim,2 kaya dapat mong protektahan ang iyong tahanan sa lahat ng oras.3