Artikulo

Pag-iingat laban sa dengue habang naglalakbay

May banta ng panganib ang paglalakbay sa anumang bahagi ng mundo na may maraming kaso ng dengue. Maaaring magsagawa ng ilang mga hakbang upang maiwasang makagat ng mga lamok.  

Bago maglakbay, suriin ang mga abiso at babala at rekomendasyong pangkalusuganupang matukoy ang nakaambang panganib. Maaari mong bisitahin ang website ng sarili mong gobyerno, ng World Health Organization, US Centers for Disease Control and Prevention, o ang European Center for Disease Prevention and Control. 

Maging listo sa iyong kapaligiran

Mapa-lungsod man o kanayunan, maaaring tumaas ang mga kaso ng dengue sa panahon ng tag-ulan.1, 2 Isaalang-alang ang mga ito sa iyong paglalakbay.  

Ugaling gumamit ng insect repellent

Inirerekomenda ang paglalagay ng mga insect repellant na may 50% DEET. Samantala, ma inam naman para sa mga bata ang mga produktong may 15-30% DEET. Mayroon ding mga produktong walang DEET na nakalaan sa mga batang kapapanganak pa lamang hanggang dalawang buwang gulang.3

Magsuot ng maluluwag na damit na nakatakip sa iyong mga braso at binti

dahil maaaring lumusot ang kagat ng lamok sa masisikip na kasuotan. Maaari ring lagyan ang iyong damit ng permethrin, isang insecticide na pumapatay o nagtataboy ng lamok.4 Siguruhing natatakpan ang iyong mga paa ng medyas at sapatos, kaysa magsuot ng bukas na sandals. 

Gumamit ng kulambo sa pagtulog

Mas mainam gamitin ang kulambo na ginamot na ng pamatay-insekto.  

Maaaring magdulot ng dengue ang kagat ng lamok tuwing gabi

kaya’t protektahan ang iyong sarili sa lahat ng oras.5

Sanggunian
  1. World Health Organization. Ang pagdami ng dengue ay malamang sa tag-ulan: Nagbababala ang WHO. Available sa: https://www.who.int/westernpacific/news/item/11-06-2019-dengue-increase-likely-during-rainy-season-who-warns. [Na-access noong Enero 2020].  

  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022]. 

  1. National Health Service. Dengue. Available sa: https://www.nhs.uk/conditions/dengue/. [Na-access noong Agosto 2021].

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Iwasan ang Kagat ng Lamok: Ang Alam Namin. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/prevention/prevent-mosquito-bites.html. [Na-access noong Enero 2022]  

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Transmission. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/transmission/index.html. [Na-access noong Marso 2022].