Artikulo

Komunidad na ligtas sa Dengue

Mas epektibo ang mga hakbang laban sa dengue kung kabilang ang buong komunidad. Sa ilang bahagi ng mundo tulad ng Singapore at Cuba, nagtutulungan ang mga komunidad at matagumpay na napipigilan ang pagkalat ng dengue.

Nanginitlog at dumarami ang mga lamok na nagdadala ng dengue sa mga nakapirming tubig. Ang paglalagay ng takip at ang pag-alis ng mga lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig ang ilan sa mabibisang paraan upang mabawasan ang bilang ng mga lamok.

imahe ng bahay

 

Napatunayang ding epektibo ang pagtukoy sa mga lugar kung saan nangingitlog ang mga lamok, ang paglilinis nito at ang paglalagay ng insecticides.

Mas kaunting tao ang maaaring maapektuhan ng dengue infection kung may paghahanda at akmang plano laban sa posibleng paglaganap ng mga kaso nito. Kailangang sanayin ang mga pinuno ng komunidad at mga healthcare workers sa paghikayat sa kanilang mga kabarangay, kapitbahay, kaibigan at pamilya tungkol sa mga benepisyo ng paglilinis ng mga pampublikong lugar upang mabawasan ang pagdami ng lamok.2

Sa Singapore, pinamunuan ng gobyerno ang pagkakaroon ng isang traffic light system na nagbibigay-impormasyon sa mga residente tungkol sa bilang ng mga taong may sakit na dengue sa kanilang komunidad. Nagpapaalala ito kung ano ang gagawin upang mabawasan ang panganib ng impeksyon sa mga lugar na minarkahang pula o dilaw sa nasabing traffic light system. Samantala, pinaaalalahan din nito ang mga taong nasa green zone na manatiling alerto sakali mang may pagbabago sa sitwasyon ng dengue sa kanilang lugar.3 

Sa Vietnam, isang plankton-like creature na kumakain ng kitikiti ang inilalagay sa mga impukan ng tubig. Matagumpay ito sa pagbabawas ng kaso ng dengue sa maraming lugar.

Sanggunian
  1. World Health Organization. Global Strategy For Dengue Prevention and Control. Available sa http://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/75303/9789241504034_eng.pdf;jsessionid=EDE5AE90AF2A7E8F31C690B6F8B11C4E?sequence=1. [Na-access noong Enero 2020]. 

  1. Ouédraogo, S. et al. Emerg Infect Dis. 2018;24(10):1859–1867. Available sa: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6154160/. [Na-access noong Marso 2022].

  1. National Environment Agency. Dengue Community Alert System. Available sa: https://www.nea.gov.sg/dengue-zika/dengue/dengue-community-alert-system. [Na-access noong Agosto 2021].  

  1. World Health Organization. Health and Environment Linkages Initiative (HELI). Better environmental management for control of dengue. Available sa: https://www.who.int/heli/risks/vectors/denguecontrol/en/. [Na-access noong Marso 2021]