Maaaring magdulot ang dengue ng mga sintomas na katulad ng sa trangkaso. Kabilang na rito ang lagnat, pag-ubo, pamamaga ng lalamunan at pananakit ng katawan. Nagmumula ito sa kagat ng lamok na may dengue virus. Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng mga nahawaang lamok.
Mababawasan mo ang posibilidad na magkaroon ng dengue sa pamamagitan ng pag-iwas sa kagat ng lamok.1
Banayad o mild ang karamihan sa mga kaso ng dengue. Sa katunayan, maraming tao ang hindi nakakaranas ng alinmang sintomas. Kung magkakaroon ka ng mga ito, maaaring kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo at pantal. Walang lunas o gamot para sa dengue. Karaniwang napapawi ang mga sintomas habang nawawala ang impeksyon.
Sa bawat 100 kataong may dengue, isa o dalawa ang maaaring magkaroon ng malubhang karamdaman na maaari ring humantong sa pagkasawi kapag hindi naagapan.2
Ito ay tinatawag na malubhang dengue.
Mahigit 100 bansa na ang nakapagtala ng kaso ng dengue, ngunit mas madalas nakikita sa mga maiinit at maaalinsangang rehiyon ng mundo.3
Maaari ring maging carrier ng dengue virus ang mga manlalakbay na nagmumula sa mga lugar na mataas ang kaso ng impeksyon.
Tumataas ang bilang ng mga kaso habang lumalaganap ang mga dengue-infected mosquitoes. Maaari itong mangyari kahit sa mga rehiyon na hindi gaanong laganap ang sakit na ito.