PAKSA

Ano ang dengue

Nagkakaroon ng dengue ang mga tao sa pamamagitan ng kagat ng isang lamok na nahawaan at nagtataglay ng dengue virus. Tinatawag na aedes aegpyti ang partikular na uri ng lamok na ito at kadalasang nagdudulot ng dengue infection.

Sinisipsip nito ang iyong dugo, na kanilang kailangan upang makapangitlog. Pinaka-aktibo ang mga lamok na Aedesmula umaga hanggang bago ang paglubog ng araw. Maaari silang manirahan sa loob at labas ng ating mga tahanan.