Artikulo

May tao bang immune sa dengue?

Sa susunod na dalawa o tatlong buwan matapos ang dengue infection, sinasabing protektado ang isang tao mula sa pagkakaroon muli ng dengue. Hindi nagtatagal ang proteksyong ito.1  

Sa pangkalahatan, kapag nakakuha ka ng impeksyon, naaalala ito ng iyong katawan. Nangangahulugan ito na sakaling makuha mo muli ang impeksyon, mas mabilis itong haharapin ng iyong katawan. Gumagana ang mga bakuna sa parehong paraan. Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa iyong katawan ng isang partikular na virus o bacteria, inaasahang mas handa kang labanan ito sa hinaharap.  

Maaaring makapasok sa iyong katawan ang dengue virus mula sa kagat ng nahawaang lamok. Ang virus na ito ang nagdudulot ng dengue infection. Maaaring labanan ng iyong katawan ang impeksyon upang matulungan kang gumaling.Ayon sa mga dalubhasa, mayroon apat na serotypes or magkakaibang uri ng dengue virus. Ito ang DENV-1, DENV-2, DENV-3 at DENV-4.1 DENV ang pagdadaglat sa dengue virus.

infographic

Sa pagkakaroon ng dengue, nagiging protektado kalamang laban sa isa sa apat na uri ng virus nito. Nangangahulugang maaari ka pa ring magkasakit dulot ng iba pang uri ng dengue virus.3 Inaasahang mas malala ang mga sintomas sa pangawalang dengue infection.4 Mahalagang tandaan na hindi ka pa rin lubusang ligtas sa sakit na ito kahit nagkaroon ka na ng dengue nang isang beses. 

Ipagpatuloy ang mga hakbang upang panatilihing protektado ang iyong sarili laban sa dengue.

Sanggunian

1. Scitable. Mga Virus ng Dengue. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/dengue-viruses-22400925/ [Na-access noong Agosto 2021].  

2. Scitable. Tugon ng Host sa mga dengue virus. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/host-response-to-the-dengue-virus-22402106/ [Na-access noong Hunyo 2021].