Tumataas ang dengue infection rates1
Humigit-kumulang kalahati ng populasyon ng mundo ang nasa panganib na magkaroon ng dengue infection.1
May apat na uri ng dengue virus
Mayroong apat na iba't ibang uri o serotypes ng dengue virus.1 Maaaring magdulot ng banayad o malubhang sakit ang alinman sa apat na serotypes na ito, bagaman maraming kaso ng dengue ang hindi nakikitaan ng anumang sintomas.2
Maaari kang magkaroon ng dengue nang higit sa isang beses
Mayroong apat na serotype ng virus kaya maaari kang magka-dengue nang higit sa isang beses.1 Tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng malalang sintomas sa pangalawang impeksyon dulot ng ibang serotype.3
Ang matinding dengue ay dapat tugunan ng mga doktor o medical professionals
Bagama't marami ang walang sintomas, maaari pa ring makaranas ang ilang tao ng trangkaso, pananakit ng likod ng mata, pamamantal o pagduduwal. Sa mga malulubhang kaso, maaari namang makarananas ng pananakit ng tiyan, pagdurugo ng gilagid, o patuloy na pagsusuka na may kasamang dugo.1
Walang pinipili ang panganib ng dengue
Ang mga lamok na naninirahan sa mas maiinit na klima ang kadalasang nagdadala ng dengue virus at nagdudulot ng sakit.1 Saanman mayroong tao, mapalungsod man o nayon, nananatili ang banta ng dengue.1,4