Artikulo

Gabay sa mga lamok

Ang mga lamok ang pinakamapanganib na hayop sa mundo, na pumapatay ng hanggang isang milyong tao sa isang taon ayon sa ulat ng World Health Organization.1

Sumisipsip ng dugo ang mga babaeng lamok upang makagawa ng mga itlog.2 Gamit ang mala-karayom na bibig na tinatawag na proboscis, nakatuturok ito sa balat ng iba’t ibang uri ng mammal, kabilang na ang mga tao. 

Naisasalin ang laway ng lamok sa bawat kagat nito. Nagdudulot ito ng makakating pantal, at maaari ding magdulot ng mga sakit tulad ng malaria, yellow fever, Zika, Chikungunya at dengue.3

Nangingitlog ang mga lamok sa ibabaw ng nakapirming tubig. Napipisa ang mga itlog at nagiging kitikiti na kumakain ng maliliit na halaman at hayop sa tubig. Tulad ng uod na nagiging paru-paro, bubuo ang kitikiti ng isang pupa o isang matigas na sisidlan kung saan ito mananatili hanggang maging isang ganap na lamok.4

Mayroong higit sa tatlong libong iba't ibang uri ng lamok, ngunit tatlo ang tinuturing na nakamamatay.5

 

Una na rito ang Aedes namatatagpuan sa maiinit na klima at nagkakalat ng yellow fever, Zika virus, Chikungunya, at dengue.

Samantala, nagdudulot naman ng malaria at kadalasang natatagpuan sa Africa ang Anopheles.

Pinakahuli ang Culex na matatagpuan sa ibang bahagi ng buong mundo maliban sa mga lugar na may katamtamang temperatura. Ito ang nagkakalat ng encephalitis, West Nile virus, at filariasis.

 

Ang pangunahing uri ng aedes na lamok Aedes na nagdadala ng dengue ang Aedes aegypti. Pumapangalawa rito ang Aedes albopictus na maaari ring magdulot ng sakit.6

Nakatira ang Aedes aegypti malapit sa mga tao. Dumarami ito sa mga pinag-iimbakan o naiipunan ng tubig, tulad ng mga timba, mangkok, pinggan ng hayop, paso ng bulaklak at gulong ng sasakyan. Kadalasang aktibo ang mga ito sa liwanag ng araw at madalas kumagat mula umaga hanggang bago lumubog ang araw.6

Sanggunian
  1. Centers for Disease Control and Prevention. Paglabansa Pinakamapanganib na Hayop sa Mundo. Available sa: https://www.cdc.gov/globalhealth/stories/world-deadliest-animal.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Ano ang Lamok?. Available sa: https://www.cdc.gov/mosquitoes/about/what-is-a-mosquito.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  1. United States Environmental Protection Agency. General Information about Mosquitoes. Available sa: https://www.epa.gov/mosquitocontrol/general-information-about-mosquitoes. [Na-access noong Agosto 2021].  

  1. United States Environmental Protection Agency. Mosquito Life Cycle. Available sa: https://www.epa.gov/mosquitocontrol/mosquito-life-cycle. [Na-access noong Pebrero 2022]  

  1. National Geographic. Mosquitoes. Available sa: https://www.nationalgeographic.com/animals/invertebrates/facts/mosquitoes. [Na-access noong Agosto 2021].  

  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022].