Artikulo

Subaybayan ang dengue

Maaaring makaapekto ang dengue sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Bawat taon patuloy ang pagtaas ng mga kaso.1

Ang paglaki ng populasyon, urbanisasyon, paglalakbay, pagbabago ng klima, at hindi pagtupad sa mga hakbang sa pagkontrol ang ilan sa mgamaaaring maging sanhi ng pagkalat ng dengue virus.2

Bago ang 1970 siyam na bansa lamang ang nakararanas ng sakit na ito. Ngayon, matatagpuan ang dengue sa mahigit 100 bansa sa buong mundo.1

Patuloy na nag-iiba at nagbabago ang dengue.

Maaaring masubaybayan ng mga siyentipiko ang dengue sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo ng mga tao para sa mga antibodies

Nagpapahiwatig ang mga protinang ito ng pagkakaroonng dengue ng isang tao at maaari ring maging hudyat ng posibilidad ng pagdanas ng  malubhang uri ng dengue.3

 

Sa pamamagitan ng mga teknolohiyang maaaring tumukoy ng dengue mabibigyan ang mga dalubhasa ng sapat na impormasyon upang malaman kung aling serotype o uri ng dengue virus ang kumakalat at kung saang lugar pa ito maaaring maminsala lalung-lalo na sa mga liblib na lugar na malayo sa mga ospital at pasilidad pang-kalusugan.4

Malaking tulong rin ang paghahanap sa internet! Dumadalas ang paghahanap sa internet ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa dengue tuwing dumarami ang aktwal na bilang ng mga taong nagkakasakit sa isang lugar. Makatutulong ang ugnayang ito sa pagsubaybay sa dengue lalung-lalo na sa mga bansang hindi pa gaanong organisado ang sistema ng surveillance o pagkalap ng mga impomasyon tungkol sa kalusugan.5

Sa Singapore, gumagamit ang National Environmental Agency ng isang website at isang mobile app upang iulat ang mga lugar ng pinamumugaran at pinagkukumpulan ng mga aedes mosquito.6, 7

Sa Estados Unidos, gumagamit ang mga dalubhasa ng pinagsama-samang datos, kabilang na ang paghahanap sa internet, mga pagbanggit sa social media, at mga naitalang mga test result upang bumuo ng isang modelo na maaari pang tumukoy sa mga susunod pang mga kaso ng sakit.8

Sanggunian
  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022]. 

  1. Outbreak Observatory. The global rise of dengue infections. Available sa: https://www.outbreakobservatory.org/outbreakthursday-1/3/21/2019/the-global-rise-of-dengue-infections.[Na-access noong Mayo 2020].

  1. University of Florida, Liberal Arts and Sciences. Tracking Unseen Dengue. Available sa: https://news.clas.ufl.edu/tracking-unseen-dengue/. [Na-access noong Marso 2022].    

  1. Adelino, TER. et al. Nature Communications. 2021;12:2296. Available sa: https://www.nature.com/articles/s41467-021-22607-0.[Na-access noong Marso 2022]. 

  1. Science Daily. Google searches can be used to track dengue in underdeveloped countries. Available sa: https://www.sciencedaily.com/releases/2017/07/170720142243.htm. [Na-access noong Marso 2022].  

  1. National Environment Agency. Dengue Clusters in Singapore. Available sa: https://www.nea.gov.sg/dengue-zika/dengue/dengue-clusters. [Na-access noong 20 Sep 2022].

  1. National Environment Agency. Dengue Community Alert System. Available sa: https://www.nea.gov.sg/dengue-zika/dengue/dengue-community-alert-system. [Na-access noong 22 Sep 2022].

  1. Break Dengue. Dengue Track. Available sa: https://www.breakdengue.org/dengue-track/about/. [Na-access noong Marso 2022].