Artikulo

Saan nagmula ang dengue?

Ayon sa mga paglalathala mula 265-420 AD,2 unang nakita sa mga Intsik ang mga sintomas na maihahalintulad sa dengue. Matapos nito, nagkaroon din ng mga epidemya sa French West Indies at Panama noong ika-17 siglo.3

Noong ika-18 siglo, madalas na tinutukoy ng mga tao ang malalang kaso ng dengue bilang ‘break-bone fever’. Bukod sa mataas na temperatura, dumanas din ang mga pasyente ng matinding pananakit ng mga paa at kasukasuan na maihahaluntulad sa pagkabali ng mga buto.3

Noong ika-19, kinilala ang sakit na ito bilang dengue, bagaman hindi malinaw kung sino o saan nagmula ang bansag na ito. Sa parehong siglo, nagkaroon ng dengue epidemic sa Peru, Brazil, southern United States at Caribbean. Madalas umuusbong ang sakit na dengue sa mga lungsod na dinadaungan ng mga barkong pangkalakal mula sa ibang lugar o bansa.3,4

Patuloy na kumalat ang dengue noong ika-20 siglo. Dumami at lumaganap pa ang mga kaso ng dengue noong World War II dahil sa pagkakadestino ng mga sundalo sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil sa sama-sama at organisadong pagsisikap na bawasan ang impeksyon sa Central at South America noong 1960s at 1970s, nabawasan ang mga kaso ng dengue. Ngunit bumalik na ang sakit sa mga rehiyong ito.3  

Bago ang taong 1970, 9 na bansa lamang ang nakaranas ng matinding epidemya ng dengue. Sa ngayon, mahigit 100 bansa ang nakapagtala ng dengue.5

Dulot ito ng lumalaking populasyon sa buong mundo, ang paninirahan ng mas maraming tao sa mga lungsod, paglalakbay sa mas malalayong lugar, at mahinang sistema ng sanitation at mosquito control.

Sanggunian
  1. Wang, E. et al. Journal of Virology. 2020;74(7):3227-3234. Available sa: https://journals.asm.org/doi/epub/10.1128/JVI.74.7.3227-3234.2000.[Na-access noong Marso 2022].   

  1. National Center for Biotechnology Information. Usage of Traditional and Complementary Medicine among Dengue Fever Patients in the Northeast Region of Peninsular Malaysia. Available sa: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6613470/. [Na-access noong Marso 2022].

  2. Scitable by Nature Education. Ano ang Dengue Fever? Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/what-is-dengue-fever-22399100/. [Na-access noong Marso 2022].

  3. Dick, OB. et al. Am J Trop Med Hyg. 2012;87(4):584–593. Available sa: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3516305/.[Na-access noong Marso 2022].   

  4. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022].