Ayon sa World Health Organization, tinatayang aabot sa 3.9 bilyong tao sa buong mundo ang nasa panganib na magkaroon ng dengue. Kumakatawan ito sa 50% ng populasyon ng mundo.1
Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, mahigit-kumulang 400 milyong tao sa buong mundo ang nagkakasakit ng dengue bawat taon. 100 milyon o 25% lamang sa kanila ang magpapakita ng mga sintomas at 40,000 (0.04%) naman ang mamamatay sa sakit.2
Kumpara sa nakaraang 50 taon3, mas marami nang higit sa 30 beses ang bilang ng mga naiulat na kaso ng dengue ngayon.
Bago ang 1970, siyam na bansa lamang ang nakararanas ng epidemya ng dengue. Ngayon, matatagpuan ito sa 129 na bansa.4
Bagama't maaari kang makakuha ng dengue sa America, Africa, Middle East at Pacific Islands, mas mataas ng 70% ang panganib ng dengue sa Asyakumpara sa ibang bahagi ng mundo.1,4
Mayroong apat na virus na nagdudulot ng dengue: DENV-1, DENV-2, DENV-3 at DENV-4.1 DENV ang pagdadaglat sa dengue virus.
Tinatayang aabot sa US$9bn ang pandaigdigang-gastusing kaakibat ng dengue.5