Maaaring makaapekto ang dengue sa milyun-milyong tao tao sa buong mundo. Inaasahan din ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso bawat taon.1
Tinatayang mahigit sa anim na bilyong tao (60% ng populasyon ng mundo) ang maaaring nasa panganib ng impeksyon sa dengue pagsapit ng taong 2080.2
Sa ngayon, alam na natin ang panganib na dala ng dengue. Kailangan ang agarang pagkilos upang mapigil ang pagkalat ng sakit na ito.1
Maaaring kontrolin ang dengue sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga lamok at pagsira sa mga lugar na kanilang pinamumugaran at pinangingitlugan.3 Mayroong ding mga makabagong teknolohiya na pinag-aaralan ng mga siyentipiko upang mabawasan ang bilang ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus .
Isa sa mga ito ang modipikasyon sa genes ng mga lalaking lamok upang mapigilan ang pagpaparami nito.3,4 Mayroon ding Wolbachia project, na gumagamit ng Wolbachia bacteria na nagbabawas sa kakayahan ng dengue virus na magparami sa katawan ng lamok.3
Pinag-aaralan din ang makabagong gamot para sa sakit na ito. Halimbawa nito ang mga antivirals na nagpapababa sa viral load or antas ng virus sa isang nahawaang tao. Inaasahang mas malubha ang kaso ng dengue sa mga taong may mataas na viral load sa kanilang dugo Makatutulong ang mga gamot tulad nito kung maibibigay sa tamang oras.5
Pagbabakuna ang isang paraan upang maiwasan ang mga taong magkasakit pagkakaroon ng dengue.
Mayroong apat na iba't ibang uri ng dengue virus. Nangangahulugang maaari pa ring magkaroon ng dengue sakaling sa isang uri lamang ng dengue virus tumatalab ang bakunang gagamitin. Mas mainam kung may kakayahang magbigay-proteksyon ang isang bakuna laban sa lahat na apat na uri ng dengue virus. Isang malaking pagsulong sa dengue prevention and control kung magkakaroon ng ganitong uri ng bakuna.
May sapat na impormasyon ang World Health Organization sa kasalukuyang kalagayan ng pagdidiskubre ng mga bakuna kontra-dengue.6
Gumagawa din ang mga dalubhasa ng mga bagong paraan upang masubaybayan ang sakit at upangmapigilan ang paglaganap. Makatutulong sa pamahalaan ang kaalaman kung paano kumakalat ang dengue virus.7
Ang pinagsama-samang paraan tulad ng pagmomodipika sa mga lamok, pagtuklas ng mga bagong bakuna at mga gamot, at pagsubaybay sa sakit ang magbibigay-daan sa mga siyentipiko na pigilan at labanan ang dengue sa hinaharap.7