Artikulo

Sino ang nasa panganib?

Matatagpuan ang dengue sa mga rehiyon kabilang ang Africa, Americas, Eastern Mediterranean, South-East Asia at Western Pacific.1 Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng dengue ang sinumang nakatira o naglalakbay sa mga lugar na ito.

Nanganganib sa dengue ang 50% ng populasyon sa mundo.

Sa kabuuan, tinatayang 50% ng populasyon ng mundo, o humigit-kumulang

3.9 bilyong tao,

Ang nahihirahan sa mga lugar na may panganib ng dengue.1

Maaaring makakuha ng dengue ang mga tao mula sa kagat ng mga lamok na may dengue virus. Nabubuhay at dumarami ang mga lamok na may dengue sa mga mataong lugar tulad ng lungsod, bayan at nayon. Walang pinipiling edad ang dengue. Maaaring magkasakit ang mga bata at mga matatanda sa.1 Inaasahan ding may mas mataas na panganib ang mga taong dati nang nagkaroon ng dengue3.

Humigit-kumulang 390 milyong tao ang nagkaka- dengue bawat taon.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, tinatayang 40,000 katao ang namamatay bawat taon dahil sa malubhang kaso ng dengue.2

Sanggunian
  1. World Health Organization. Dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue [Na-access noong Enero 2022]. 

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Tungkol sa Dengue: Ano ang Kailangan Mong Malaman. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/about/index.html [Na-access noong Enero 2022]. 

  2. Mayo Clinic. Dengue Fever. Available sa: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dengue-fever/symptoms-causes/syc-20353078 [Na-access noong Enero 2022]. 

  3. Bhatt, S. et al. Nature. 2013;496(7446):504–507. Available sa: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23563266/.[Na-access noong Enero 2020]