Maaari kang makakita ng mga artikulo o mga post sa social media na nagsasabing may mga gamot para sa dengue. Bagaman may mga napatunayang paraan upang mapababa ang panganib ng infection, walang lunas ang dengue sa kasalukuyan.
Iba-iba ang mga kumakalat na maling impormasyon. Halimbawa, sinasabi ng ilang tao na makaiiwas sa kagat ng lamok ang pagpapahid sa balat ng mga langis ng halaman. Ang iba naman,nagsasabing maaaring maging lunas ang ilang mga pagkain. Sa ngayon, walang tiyak na ebidensya na sumusuporta sa mga ito.1
Paano mo malalamang kung totoo o hindi ang isang bagay na makikita mo online?
Sino ang mapagkakatiwalaan mo?
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga mapagkukunan ng kapani-paniwala’t makatotohanang impormasyon:
The World Health Organization (WHO). Narito ang kanilang webpage tungkol sa dengue fever.
Mga website ng unibersidad at research institute, na kadalasang nagtatampok ng reseach at at malinaw na impormasyon tungkol sa mga bagong pag-aaral.
Ano ang pinagmulan? Suriin ang logo, upang matiyak na ito talaga ang tamang website. Kung isinulat ng isang mamamahayag, maghanap ng iba pang artikulo na kanyang nailathala.2
Ginagaya ng ilang social media account ang mga totoong account. Na-verify ba ng social media platform ang account?
Tama ba ang grammar at ang pagbabaybay? Kung hindi, malamang na hindi ito mapagkakatiwalaan. Tingnan din ang wastong paggamit ng malalaking titik at mga bantas o punctuation marks.
Mainam kung may katibayan ang bawat pahayag. Tandaang mapagkakatiwalaan ang mga artikulo at medical research na nakalathala sa mga scientific o medical journal. Dumadaan ang mga ito sa mabusising pagsusuri ng mga dalubhasa at mga patnugot bago pa maisa-publiko.
Bisitahin din ang mga fact-checking websites. Tulad ng AP Fact Check, Full Fact o Health News Review, o hanapin sa internet ang pamagat at mga pahayag nito sakali mang napatunayan nang mali o di makakatotohanan ang mga ito ng iba pang mainstream at news media.3
Ayon nga sa kasabihan, “If it seems to good to be true, it probably is.” Siguruhing makatotohanan at kapani-paniwala ang mga impormasyon bago pa ito ibahagi sa iba.