Artikulo

Paano natutukoy ang pagkakaroon ng dengue

Kung nakatira ka o naglalakbay sa isang lugar na maraming kaso ng dengue at nagpapakita ng mga palatandaan ng sakit, huwag mag-atubiling magpatingin sa iyong doktor. Maaari silang magmungkahi ng pagsasagawa ng dengue test. 

Kakailanganin mong magbigay ng sample ng dugo na maaaring suriin.

Maaaring malaman ang resulta sa loob ng 30 minuto o higit pa. 

Bagama’t may iba't ibang uri ng blood tests, naghahanap ang mga ito ng mga palatandaan ng pagkakaroon ng dengue virus sa iyong dugo. Tandaang walang alinman sa mga ito ang nakakatitiyak nang buung-buo. 

Mahalagang matiyak ang pagkakaroong ng dengue upang matukoy ng doktor o healthcare professional ang naaangkop na gamot o lunas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin, siguraduhing makipag-usap sa doktor. 

 

Maraming bansa din ang nagtatala kung gaano karaming tao na ang may dengue.

Makakatulong ito sa mga organisasyon tulad ng World Health Organization na subaybayan ang pagkalat ng sakit sa buong mundo.

Sanggunian
  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang dengue. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022].