Artikulo

Nanganganib ba ang mga bata?

Sa pamamagitan ng kagat ng lamok, maaaring magakaskit ng dengue ang mga bata at sanggol tulad sa paraan ng pagkakahawa ng isang taong nasa hustong gulang.

Sa karamihan ng mga bansa kung saan mayroong dengue, naiuulat na: 

Madalas makakuha ng dengue ang mga batang may edad 10 hanggang 14 taon1

 

Mas mataas din ang panganib ng mga bata na magkaroon ng malubhang kaso ng dengue kumpara sa mga nasa hustong gulang.

Mahirap tukuyin ang mga sintomas ng dengue sa isang sanggol dahil na rin sa pagkakatulad nito sa sintomas ng ng iba pang karaniwang impeksyon.3   

Mas mataas din ang posibilidad ng pagkakaroon ng dengue sa mga bata dahil sa palagiang paglalaro sa labas ng tahanan. Mas mahina ang immune system ng mga bata kaysa sa mga taong nasa hustong gulang.4  

Maaari ring makuha ang dengue tuwing nasa paaralan ang mga bata. Kadalasan, bukas ang mga pintuan at bintana ng mga silid-aralan at walang insecticides o insect repellants sa mga ito. Sa isang outbreak sa Pilipinas noong 2019, makikita ang 70% ng mga kaso ng dengue sa mga kabataang 18 taong-gulang pababa.4

proteksyon

 

Gumawa ng mga hakbang upang protektahan ang iyong anak mula sa dengue. Tiyakin ang pagsusuot ng maluluwag at mahahabang damit na nakatakip sa kanilang mga braso at binti. Nakatutulong ito upang iwasang makagat ng lamok. Maaari mo ring takpan ng kulambo ang mga stroller, baby carrier, at higaan, at gumamit ng insect repellent na ligtas para sa mga bata.5

Sakaling magkaroon ng anumang sintomas ang iyong anak matapos magtungo o mamuhay sa isang rehiyon na may dengue, makipag-ugnayan agad sa inyong doktor o healthcare professional. Kabilang sa mga sintomas na dapat tandan ang mga sumusunod: lagnat, palatandaan ng dehydration, madalas na pag-ihi, pagkaantok, kawalan ng enerhiya, pagkamayamutin, panlalamig at pamumutla ng mga kamay at paa, pagkakaroon ng pantal, pagdurugo ng ilong o gilagid, at pagsusuka.3,6  

Maaari ding mahawaan ang isang sanggol ng kanyang ina habang nasa sinapupunan. 7 

Maaari itong magdulotng maagang panganganak, mababang timbang, at maging kamatayan, kung kaya’t mahalagang protektahan ang iyong sarili mula sa kagat ng lamok sa panahon ng pagbubuntis. 

Sanggunian
  1. Zeng, Z. et al. The Lancet. 2021;32:100712. Available sa: https://www.thelancet.com/journals/eclinm/article/PIIS2589-5370(20)30456-9/fulltext.[Na-access noong Mayo 2021]. 

  1. Sangkaew, S. et al. The Lancet. 2021;21(7): 1014-1026. Available sa: https://www.thelancet.com/journals/laninf/article/PIIS1473-3099(20)30601-0/fulltext. [Na-access noong Marso 2022].

  2. Centers for Disease Control and Prevention. Ang iyong Sanggol ay may Dengue. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/symptoms/infant.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  3. Iligtas Ang mga Bata. Tinatayang nasa siyam na taon pababa ang mga kabataang namamatay sa dengue sa Pilipinas. Available sa: https://www.savethechildren.net/news/nearly-half-all-dengue-deaths-philippines-are-children-under-nine-years-old. [Na-access noong Marso 2022].  

  4. Centers for Disease Control and Prevention. Iwasan ang Kagat ng Lamok: Ang Alam Namin. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/prevention/prevent-mosquito-bites.html. [Na-access noong Enero 2022]. 

  5. Centers for Disease Control and Prevention. Pag-aalaga ng Bata o Miyembro ng Pamilya na may Dengue. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/symptoms/family.html. [Na-access noong Marso 2022]. 

  6. Centers for Disease Control and Prevention. Dengue Habang Nagbubuntis. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/transmission/pregnancy.html. [Na-access noong Marso 2022].