Artikulo

Mga palatandaan ng malubhang dengue

Kumonsulta agad sa doktor sakaling makaranas ng malalang sintomas ng dengue.

 

Maaaring maging napakabanayad ang mga sintomas na ito. Sa katunayan, maraming tao ang may impeksyon nang hindi nalalaman. Ngunit mayroong ilang mga tao ang nagkakasakit nang malubha. 

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, aabot sa 400 milyong tao sa buong mundo ang nahahawaan ng dengue bawat taon. Humigit-kumulang 100 milyong tao ang nagkakasakit, at 40,000 ang namamatay sa matinding dengue.1

Lagnat ang kadalasang unang senyales ng sakit na tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw. Maaari ring makaranas ng iba pang sintomas tulad ng pananakit ng kalamnan, pananakit ng ulo at pantal. 

Sa mga taong may malubhang kaso ng dengue, maaari ring makaranas ng pagdurugo, pagbaba ng blood pressure at pagkakaroon ng problema ng iba’t ibang body organs. Kung hindi maagapan, maaari itong humantong sa kamatayan.2

Ayon sa World Health Organization, maging alerto sa mga sumusunod na warning signs

 

Matinding sakit sa tiyan

Patuloy na pagsusuka

Mabilis na paghinga

Pagdurugo ng galagid

Matinding pagkapagod

Hindi mapakali

Pagsusuka ng dugo

Sakaling magkaroon ng alinman sa mga nabanggit na warning signs, agad na magpatingin sa iyong doktor. Para sa iyong kaligatasan, mahalangang matukoy at mabigyang-lunas nang maaga ang mga sintomas na ito. 

Tumataas ang panganib na hatid ng dengue sa mga taong dati nang nagkaroon ng sakit na ito. Kinakailangang mag-ingat ang lahat ng nakatira o bumibiyahe sa mga lugar na mataas ang kaso ng dengue, upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya.

Sanggunian
  1. Centers for Disease Control and Prevention. Tungkol sa Dengue: Ano ang Kailangan Mong Malaman. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/about/index.html. [Na-access noong Enero 2022]. 

  1. Mayo Clinic. Dengue Fever. Available sa: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dengue-fever/symptoms-causes/syc-20353078. [Na-access noong Enero 2022].

  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang uri nito. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022].