Artikulo

Mga paggamot para sa dengue

Walang gamot sa dengue, ngunit posibleng mabigyang-lunas ang mga sintomas nito.1 Sakaling makaranas ng banayad na sintomas, maaari kayong magpagaling sa inyong tahanan. Samantala, kinakailangan namang kumonsulta sa doktor o healthcare professional lalung-lalo na ang mga taong nakararanas ng mas malubhang kaso.2

 

Inirerekomenda ng World Health Organization: 

 

Gawin: 

 

Humingi ng payo sa iyong doktor na maaaring magrekomenda ng tests upang  matiyak na dengue ang sanhi ng iyong nararamdaman.

Uminom ng maraming tubig

Magpahinga hangga't maaari

Uminom ng acetaminophen o paracetamol para maibsan ang lagnat, sakit ng ulo at pananakit ng katawan

 

Huwag:

 

Ipagsawalang-bahala ang warning signs ng dengue, tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdurugo

Uminom ng aspirin o ibuprofen dahil maaaring magdulot ito ng pagdurugo

 

Sa banayad na kaso ng dengue, inaasahan ang pagbuti nang pakiramdam sa loob ng isang linggo.2

Huwag makagat ng lamok sa panahon ng pagkakasakit. Kung makagat ka ng lamok, maaari itong makahawa sa ibang tao.3

At tandaan, panatilihin ang pag-iingat laban sa denguedahil maaari kang magkaroon ng dengue infection nang higit sa isang beses.4

 

Sanggunian
  1. National Health Service. Dengue. Available sa: https://www.nhs.uk/conditions/dengue/. [Na-access noong Agosto 2021]   

  1. Centers for Disease Control and Prevention. Symptoms and Treatment. Available sa: https://www.cdc.gov/dengue/symptoms/index.html.[Na-access noong Hunyo 2022].  

  1. Scitable by Nature Education. Transmission ng Dengue. Available sa: https://www.nature.com/scitable/topicpage/dengue-transmission-22399758/. [Na-access noong Agosto 2021]. 

  1. World Health Organization. Ang dengue at ang malubhang dengue. Available sa: https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/dengue-and-severe-dengue. [Na-access noong Enero 2022].