Maaaring magdulot ng lagnat ang dengue at ang COVID19.1
Ano pa ba ang pagkakapareho nila? At ano ang pinagkaiba nila? Suriin natin ang mga sakit.
Ano ang dengue at COVID-19?
Dengue virus ang pangunahing sanhi ng Dengue. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mga kagat ng mga nahawaang lamok.1
Samantala, maaari namang makahawa ang COVID19 sa pamamagitan ng pagtalsik ng respiratory fluid mula sa isang taong nahawaan ng SARS-CoV-2 virus. Kumakalat ang sakit na ito dahil sa pagbahing, pag-ubo at maging pakikipag-usap nang malapitan sa taong may COVID19 infection. 1
Gaano katagal bago ako magpakita ng mga sintomas?
Pagkatapos makagat ng lamok na nahawaan ng dengue virus, kadalasang nagkakaroon ng mga sintomas sa loob ng 5–7 araw.1
Sa kabilang banda, maaari nang lumabas ang mga sintomas ng COVID19 sa pagitan ng 4–5 araw, ngunit maaari ring tumagatal hanggang dalawang lingo.1
Paano ako magkakasakit?
Maaaring walang sintomas, banayad o malubha ang dengue at COVID19.1
Ano ang mga karaniwang sintomas?
Sa banayad hanggang katamtamang dengue, kinabibilangan ng mga sumusunod ang mga karaniwang sintomas nito:1
- Lagnat
- Pananakit ng ulo na na may pananakit ng mata
- Sakit ng kalamnan o katawan
- Mabigat na pakiramdam
- Pagkapagod
Ang matinding pananakit ng tiyan, patuloy na pagsusuka, pagdurugo mula sa gilagid, mabilis na paghinga, pagkabalisa at dugo sa pagsusuka o dumi ang ilan sa mga palatandaan ng matinding kaso ng dengue at nangangailangan ng agarang atensyong-medikal.2
Sa banayad hanggang katamtamang COVID-19, kinabibilangan ng mga sumusunod ang mga karaniwang sintomas:1
- Lagnat o panlalamig
- Ubo
- Panghahapo o kahirapan sa paghinga
- Pagkapagod
- Sakit ng kalamnan o katawan
- Sakit ng ulo
- Pagkawala ng lasa o amoy
- Pagsakit ng lalamunan
- Baradong ilong o runny nose
- Mabigat na pakiramdam
- Pagtatae
Tanda ng matinding karamdaman ang kahirapan sa paghinga. Nangangailangan ito ng agarang atensyong-medikal.1
Sino ang may mas mataas na panganib?
Risk factors sa pagkakaroon ng malubhang dengue :1
- Edad (mas madaling magkasakit ang mga sanggol)
- Ikalawang impeksyon sa dengue; Maaaring magkaroon ng malubhang kaso ng dengue ang mga taong dati nang nagkaroon ng sakit na ito
- Mga taong may iba pang iniindang karamdaman tulad ng diabetes, hika, o sakit sa puso
Risk factors sa pagkakaroon ng malubhang COVID-19 infection:1
- Edad (Mas madaling kapitan ng sakit ang mga taong higit sa 65 taong gulang)
- Mga taong may iba pang iniindang karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes, sakit sa baga, mataas na presyon ng dugo, stroke, sakit sa atay, labis na katabaan, sakit sa bato, o immunocompromised (hal. HIV, sumasailalim sa cancer treatment, paggamit ng corticosteroids o paninigarilyo)
Bagama't may ilang pagkakapareho ang mga katangian ng dengue at COVID, magkaiba ang pangangasiwang-medikal na kinakailangan sa bawat karamdaman. Makabubuting kumonsulta agad sa iyong doktor kung nakararanas ka ng anumang mga sintomas.
Kung nag-aalala ka tungkol sa dengue o COVID, makipag-usap sa iyong doktor o healthcare professional